top of page

Hahamakin ang Lahat

  • The Yeppoyodel
  • Mar 5, 2017
  • 4 min read

May tao bang gagawin ang lahat para sa isang istorya?


Maari sa ibang tao ay Wala. Ngunit, sa isang manunulat na gaya ni Nellie Bly hindi na yan itinatanong pa. Sinasabi nila na ang landas ng manunulat ay mahirap at mapurik, sa iba nama’y sinasabing ito ay napakadali, ngunit, hanggang saan ang kayang abutin ng isang manunulat para sa isang natatanging istorya?


Si Elizabeth Jane Cochran ay isinilang noong Mayo 5, 1846 sa Cochran's Mills, Pennsylvania (Pittsburgh suburb of Burrell Township, Armstrong County, Pennsylvania ngayon) sa Estados Unidos . Ito ay isang bayan na ang founder ay ang kanyang ama, si Michael Cochran, isang judge at land owner sa nasabing lugar. Si Elizabeth ay may palayaw na “pink” o “pinky” dahil sa kawilihan nya sa kulay na pink at namulat sa mga magagandang asal na turo ng kanyang ama. Si Elizabeth ay ang pangatlong anak ni Mary Jane Cochran, ang pangalawang asawa ng kanyang ama, meroon siyang sampung mga kapatid sa unang asawa ng kanyang ama at limang kapatid sa kanyang ina.


Sa edad na anim, biglang namatay ang ama ni Elizabeth, kung kayat ang estate, mga ari-arian at ang mga huling habilin ng ama sa kanyang mga pamana ay hindi nalagdaan at naipamigay sa kanilang pamilya, bagay na nagpahirap sa buhay nila.

Upang tulungan ang kanyang ina, si Elizabeth ay nag pursige at nag-aral sa Idiana Normal College kung saan siya ay nagtapos at naging guro, ngunit bago niya ito nakamit napilitang tumigil si Elizabeth sa pag-aaral dahil sa problemang pinansyal at nagdayo kasama ang kanyang pamilya sa Pittsburg.


Nagsimula ang kanyang karera sa larangan ng panunulat noong 1880’s sa pagsulat niya ng liham ukol sa isang artikulo na pinamagatan “What Girls are Good For” na idinidiin ang pag-degrade sa kakayahan ng mga kababaihan at pagiging sexist. Dahil nagandahan sa kanyang isinulat, pinatawag ng editor ng The Pittsburg Dispatch (ang publikasyon kung saan nilimbag ang nasabing artikulo) si Elizabth para magtrabaho sa kanilang pahayagan kung saan pumayag naman siya sa ilalim ng pen name na “Nellie Bly”.

Simula noon nagsulat si Nellie Bly ng iba’t-ibang exposé tungkol sa gobyerno, maging sa kalagayan ng kababaihan, hanggang sa naisama siya sa pahayagang New York World ni Joseph Pulitzer (isang pahayagan sa New York /nagsimula o pioneer ng Yellow Journalism) kung saan hamon ang isa sa pinaka unang istoryang kanyang kukunin. Isang exposé sa Mental institution at Asylum sa isla ng Blackwell (ngayon ay sa Roosevelt).


Upang makalakop ng impormasyon kailangan ni Elizabeth makapasok sa nasabing institusyon upang maipalutang ang positibo o negatibong pamamalakad ng Asylum. Ngunit dahil isang sensitibong lugar, hindi basta basta makakapasok si Nellie, kung kaya’t naisipan niya magpanggap bilang isang baliw/nawawala sa sarili (insane sa ingles) ng sampung araw upang makapasok siya at mag-undercover investigation.


Natapos ang kanyang imbestigasyon at naihayag niya sakanyang akda na “Ten Days in a Mad House” ang mga pagma-maltrato sa mga pasyente, ang kalumaan ng pasilidad at hindi epektibong mga tauhan. Dahil sa ginawa ni Bly, mas napabuti ang pasilidad at binigyan na ito ng sapat na pansin ng gobyerno.


Ang misyon niya sa Blackwell ay ang nagpaningning nang kanyang journalistic career, nadagdagan pa ito nang naisip niya ang isang ekspidisyon upang talunin ang piksyunal na record ni Phileas Fogg sa nobela ni Jules Verne na “Around the World in Eighty Days”. Noong November 14, 1889 nagsimula siyang lumayag paalis ng Hoboken, New Jersey na syang inabangan ng mundo kung kalian at ilang araw ba makokompleto ni Bly ang kanyang ekspidisyon. Natapos niya ito ng 72 araw, 6 oras, 11 minuto at 14 segundo noong 1890 kung saan isang bagong record sa mundo at noong 1990’s nalabas ang librong “Around the World in 72 days” dito ipinahayag ni Bly ang kanyang mga karanasan ukol sa paglalakbay. Ngunit ito ay natalo ni George Francis Train, natapos niya ang pagikot sa mundo sa loob lamang ng 67 na araw. Marami pang balita at pahayag ang nagawa ni Nellie Bly pagkatapos ng ekspidisyon na ito.



Nang nasa dulo na nang kanyang kasikatan umuwi si Bly sakanyang bayan at noong 30 taong gulang na siya ay nakapangasawa si Nelly Bly ng isang millionaryong industrialist, si Robert Seaman. Dito nagretiro na siya sa pagiging isang mamamahayag. Ngunit bumalik din sa larangan ng pagsusulat at nagtrabaho sa New York Journal noong 1920 noong nakaranas siya ng problemang pinansiyal pagkamatay ng kanyang asawa.



Si Nellie Bly o si Elizabeth Jane Cochrane Seaman sa totoong buhay, ay isa sa mga natatanging Amerikanang Journalist na kilala sa kanyang mga imbestigasyon at undercovers na istorya at balita, hindi lang dahil sa kanyang mapapigil hiningang pagpapanggap sa isang Mental Institution kundi dahil ipinakita niya ang kakayahan ng isang babae na makapasok sa isang pahayagan at makuha ang tiwala ng madla tungo sa kanyang pagsusulat. Sa edad na 57 noong January 27, 1922 sa New York ay binawian na ng buhay si Nelly Bly dahil sa sakit na pneumonia.


Malimit na sa mga panahon na iyon, bihira ang babaeng nakakapasok sa ganitong larangan at nakakakuha ng pwesto sa paunang pahina, kahit ano pa man si Elizabeth ay hindi umurong sa pagpapahayag ng kanyang opinion sa mga oras na ito ay kinakailangan. Masasabing siya ay isang “Journalism Legend” at nangangatawan sa mga kababaihang mas piniling lumabas at mapamalas ang kanilang kakayahan.


"I have never written a word that

did not come from my heart. I never shall"

- Nelly Bly


Sources:

http://www.biography.com/people/nellie-bly-9216680

http://www.nellieblyonline.com/bio

Pictures are courtesy of Google Images

 
 
 

Comments


© 2023 by Jessica Priston. Proudly created with Wix.com

bottom of page